3-minute response time sa krimen, nais gawing nationwide ng PNP

Target ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na magagawa sa buong bansa ang 3-minute response time sa krimen sa loob ng kanyang termino.

Ayon kay PNP Chief Acorda, inabisuhan na nya ang lahat ng Regional Commanders na gayahin ang Integrated Command Control Center (ICCC) ng Quezon City Police District (QCPD) para mabilis maka-responde sa krimen.

Ang ICCC ng QCPD ay state of the art facility na gumagamit ng modernong komunikasyon para sa pag-monitor at mabilis na deployment ng mga pulis na naka-pwesto sa mga fixed points sa mga lugar na may mataas na insidente ng krimen.


Ani Acorda, kung magagawa ito sa buong Metro Manila at kalauna’y sa buong bansa ay mapapalakas ang crime prevention.

Facebook Comments