Anak ni Joey Marquez, pasado sa 2016 bar examination

105

Manila, Philippines – Tuwang tuwa pa rin ang pamilya ng aktor na si Joey Marquez matapos makapasa ang kanyang anak na si Jowee Ann Marquez sa 2016 bar examination.

Ayon kay Jowee, malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang at sa mga taong nagbigay sa kanya ng inspirasyon at lakas ng loob para matapos ang kanyang pag-aaral.

Sa inilabas na resulta ng Supreme Court noong Miyerkules may 3, kabilang si Jowee sa 3,747 na bar passers.
Matatandan na si Jowee ay anak ng aktor kay Brenda del Rio kung saan nagtapos ito ng Political Science sa Ateneo de Manila at ipinagpatuloy ang kanyang pagaaral ng abugasya sa San Beda Alabang.
DZXL558

Facebook Comments