Cleveland Cavaliers, isang panalo na lang ang kailangan para makabalik sa Eastern Conference Finals sa NBA

47

NBA – Isang panalo na lang ang kailangan ng Cleveland Cavaliers para muling bumalik sa Eastern Conference Finals sa NBA.

Tinambakan ng Cavs ang Toronto Raptors sa game 3 sa score na 115-94 kung saan nanguna sa panalo si Lebron James na nakakuha ng 35-points.

Sa postgame presscon kay James, ang hussle defense ng kaniyang mga teammates ang siyang naging dahilan para masungkit nila ang panalo. At kanila pa din paghahandaan ang game 4 dahil siguradong hindi papayag ang Raptors na ma-sweep sa serye.

Samantala, naghaharap naman sa game 3 ng Western Conference Semifinals ang San Antonio Sours at Houston Rocketss na kasalukuyang tabla ang kanilang serye sa 1-1.
DZXL558

Facebook Comments