Anak ni John Lloyd at Ellen, ipinakita na sa publiko

Screenshot via @jpvduray on Instagram

Ipinakita na ni John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang kanilang anak sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa selebrasyon ng unang kaarawan ni Elias Modesto, ibinahagi ng ilang kamag-anak ng dalawa ang mukha nito sa social media.

Pansamantalang umalis muna ng showbiz sina John Lloyd at Ellen upang makapag-pokus at maasikasong maigi ang kanilang anak sa loob ng isang taon na hindi nagpakita sa publiko.


Kamakailan lamang ay namataan si Bea at John Lloyd sa Palawan na nagsh-shoot ng isang taping. Bumalik din sa pag-eendorso si John Lloyd nang makita sa event ng isang brand ng shawarma.

Screenshot via @jpvduray on Instagram

 

Facebook Comments