Anak ni PNP Chief Dela Rosa, nagsimula na sa training bilang kadete ng Philippine National Police Academy

Manila, Philippines – Sumasailalim na sa pagsasanay para maging pulis ang anak ni PNP Chief, PDG Ronald Dela Rosa na si Rock Dela Rosa.

Ngayong araw isinagawa ang tradisyunal na pagkalbo sa mga bagong pasok na kadete sa PNPA sa Camp Castaneda, Silang, Cavite, at kasama na rito si Rock.

Push ups, at ilan pang pahirap na karaniwang ipinagagawa sa mga kadete ang ipinatikim sa mga bagong kadete.


Sa kaniyang facebook account, nang nakalipas na linggo pa nagtungo sa PNPA si Rock base sa ipinost nitong mga larawan kasama ang ilang mga kadeteng makakasabayan nito sa training.

Sa post, pansamantalang nagpaalam si Rock sa kaniyang pamilya, mga kaibigan at ka-social media dahil apat na taon aniyang hindi muna niya sila makakausap at makakahuntahan.

Bawal kasi ang cellphone at iba pang gadgets habang nasa ilalim ng training period.

Pangarap ni Rock na sundan ang yapak ng ama, na ngayon ay siyang PNP chief.

Si Rock ay pansamantalang sinamahan ng isa sa security aide ni Dela Rosa sa Camp Castaneda.

DZXL558

Facebook Comments