Pag-obserba sa Araw ng Paggawa, mapayapa sa kabuuan ayon kay PNP Chief

38

Manila, Philippines – Mapayapa sa kabuuan ang pag-obserba ng araw ng paggawa sa buong bansa

Ito ang naging overall assessment ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na patuloy na minonitor ang iba’t ibang aktibidad sa buong bansa para ngayong Labor Day.

Sa statement ni PNP Chief, sinabi nyang handa ang PNP sa pagdiriwang na ito sa tulong na rin ng mga nagsagawa ng aktibidad.

Lahat aniya ay nakipagtulungan para maging mapayapa sa kabuuan ang buong Araw ng Paggawa.

Dahil dito pinapurihan ng PNP ang ibat ibang labor organizations.

Patunay daw itong highly skilled at law abiding Filipino labor force ang mga ito na dapat ipamagmalaki ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments