Anak ni President-Elect Joe Biden na si Hunter, under investigation ngayon dahil sa isyu ng tax affairs

Iniimbestigahan ngayon dahil sa tax affairs si Hunter Biden na anak ni President-Elect Joe Biden.

Ayon kay Hunter, inabisuhan ng U.S Attorney’s Office ang kanyang legal counsel na iniimbestigahan nila ang buwis mula sa kanyang mga negosyo.

Aniya, kumpiyansa itong lalabas sa imbestigasyon na tama at legal ang lahat ng kanyang negosyo.


Nabatid na taong 2018 nang simulan ng otoridad ang nasabing imbestigasyon kay Hunter Biden pero naantala lamang noong U.S Presidential Election campaign.

Facebook Comments