Inaresto ang anak ng napaslang na National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace consultant at Anakpawis Chairperson Randy Echanis na si Amanda Lacaba Echanis kasama ang kanyang isang-buwang gulang na anak sa Barangay Carupian sa Baggao, Cagayan.
Sa statement ng Anakpawis, inaresto si Amanda kahapon ng madaling araw dahil sa kasong illegal possession of firearms, ammunition at explosives.
Mariin nilang kinokondena ang pag-aresto sa nakababatang Echanis.
Naniniwala ang Anakpawis na itinanim lamang ang ebidensya kay Echanis.
Nanawagan ang grupo na palayain agad ang anak ng NDF consultant.
Kaugnay nito, nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng search warrant na inisyu ng isang husgado dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunityion Regulation Act.