Anak, pinatay ang sariling ina dahil umano sa selos sa nakatatandang kapatid

425

INDIA – Patay ang isang ina matapos laslasin ang lalamunan ng kanyang sariling anak dahil umano sa selos nito sa nakatatandang kapatid– ang pangyayari, kinuhanan pa ng suspek.


Kinilala ang akusado bilang si Dhirendra Pandey, residente ng Khatika village sa Madhya Pradesh Rewa district sa India, at anak ng biktimang si Savitri Pandey.

Ayon sa report ng local news, nasamsam ng pulisya ang isang cellphone mula sa suspek na ginamit umano pang-video ng krimen.

Saad ng superintendent ng pulisya, lumapit daw sa kanilang tanggapan ang asawa ni Savitri para ireport ang pagpatay dito na aniya’y ginamitan ng matulis na armas at saka itinapon ang katawan sa kalapit na gubat.

Sa gitna ng isinasawang imbestigasyon, napag-alaman na namatayan ito ng isang anak si  noong nakaraang taon.

Dito raw nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pag-iisip ng ginang.

Naaalala naman ng mister nito na ilang beses na ring nanakot ang anak nilang si Dhirendra tungkol sa gagawing pagpatay sa kanyang ina.




Dito na naghinala ang naturang ama kaya agad itong pinuntahan para sa ilang katanungan noong Martes.

Nang sumailalim sa panayam, inamin nito ang ginawang krimen.

Labis daw kasi ang galit niya sa ina na aniya’y mas mahal ang kanyang kuya kaysa sa kanya.

Narekober din ang video mula sa kanyang cellphone kung saan umano mapapanood ito habang nilalaslas ang lalamunan ng kanyang ina hanggang sa masawi.

Kasalukuyan na rin siyang nasa kustodiya ng pulisya bago humarap sa korte ngayong darating na Martes.

Facebook Comments