Anak umano ng mag-asawang bomber Jolo, Sulu twin bombing, nasa custody ngayon ng ASG – ayon kay Sec. Año

Hawak ngayon ng Abu Sayyaf Group partikular ng grupo ni Hatib Hajan Sawadjaan ang 10 taong gulang na batang babae na anak umano ng mag asawang bomber sa naganap na Jolo Sulu twin bombing.

kinumpirma ito ni DILG Secretary Eduardo Año, aniya inaalagan ito ngayon ng mga miyembro ng ASG sa Patikul, Sulu na posibleng sanayin para maging suicide bomber rin balang araw.

Ang impormasyon ito ay nakuha nya sa isang indibidwal na sumuko sa PNP matapos naganap na kambal na pagsabog sa Sulu na ikinasawi ng 23 indibidwal.


Sa ngayon, pinagtutulungan na ng mga sundalo at pulis ang paghahanap sa bata upang hindi ito lumaking pariwara lalot naniniwala ang pamilya nito na sa pagiging suicide bomber nakakapunta sa langit ang kanilang kaluluwa.

Kapag nahanap ang bata, Maiko-crossmatch dito ang DNA result ng dalawang pares ng paa na nakuha sa pagsabog para opisyal na makumpirma na ang batang babae ay anak ng mag asawa suicide bomber.

Facebook Comments