Bangkay ng Isang Lolo, Natagpuan sa Echague, Isabela!

Echague, Isabela- Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang patay pasado alas dyes ng umaga sa Brgy. Malibago, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Madrid, 72 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Dumauing, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng PNP Echague hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na wala ng buhay partikular sa Purok uno ng Brgy. Malibago bayan ng Echague.


Agad na nirespondehan ng mga kasapi ng PNP Echague katuwang ng Echague Rescue Team ang pinangyarihan ng insidente at natagpuang patay ang isang lalaki na nakahiga sa may sahig.

Samantala, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pagkamatay ni Madrid.

Facebook Comments