Anakalusugan Rep. Defensor, ibinahagi ang reaksyon sa pag-amin ng anak na ito ay parte ng LGBTQ Community

Ibinahagi ni Anakalusugan Party-List Rep. Mike Defensor ang kanyang reaksyon matapos umamin ang kanyang anak na parte ito LGBTQ Community.

Kwento ni Defensor, noong gabing umamin sa kaniya ang kaniyang anak ay agad niya itong nilapitan at niyakap.

Aniya, walang magiging pagbabago sa pagmamahal niya sa kaniyang anak.


Kaugnay nito, binigyang-diin ni Defensor ang kahalagahan ng pagbibigay proteksyon sa LGBTQ Community mula sa diskriminasyon.

Si Defensor ay isa sa mga author ng SOGIE Bill na naglalayong isulong sa kamara ang pagbabawal ng anumang uri ng diskriminasyon sa sexual orientation at gender identity ng isang indibidwal.

Facebook Comments