Booster para sa mga health workers sinimulan na sa Taguig City

49

Umaarangkada na sa lungsod ng Taguig ang kauna-unahang pagbibigay ng 3rd dose o booster shots sa mga healthcare workers sa lungsod.

Ayon sa Taguig Local Government Unit (LGU) aabot sa isang libo ang target na mabakunahan ng 3rd dose ngayong araw.

Kasama sa unang tatanggap ng booster shots ang mga health workers sa Taguig Pateros District Hospital at City Health Office gamit ang Pfizer.


Inaasahan na sunod-sunod ang kanilang gagawin vaccination sa mga health workers dahil sapat umano ang mga bakunang gagamitin sa mga frontliner ng Taguig City.

Facebook Comments