Anakalusugan Representative Mike Defensor, itinanggi ang nakasaad sa position paper ng ABS-CBN na ipinasasara niya ang news and public affairs

Pumalag si Good Government and Public Accountability Vice Chair at Anakalusugan Partylist Representative Michael Defensor sa position paper ng ABS-CBN kung saan nakasaad na ipinaaalis ng kongresista ang news and public affairs ng ABS-CBN Corporation.

Giit ni Defensor, hindi niya kailanman sinabi na alisin ang news and public affairs ng network dahil sa pagiging bias.

Paliwanag ng kongresista, nagkaroon pa sila ng ‘huddle’ sa pagdinig noong June 25, 2020 ng kinatawan ng ABS-CBN at humingi pa ng tulong sa kanya para maiwasan ang pagpapasara sa TV Plus upang mapanatili ang trabaho ng kanilang mga empleyado.


Kanya ring sinabi na umabot sana sila sa isang sitwasyon at payagan muna ang pag-ere ng ilang programa sa digibox habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Agad namang sinabi ni ABS-CBN News Head Regina “Ging” Reyes na ‘noted’ ang sentimyento ni Defensor na siya namang hindi nagustuhan ng kongresista.

Inako naman ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak ang responsibilidad at sinabi sa mga kongresista na ire-review ang statement at magsusumite ulit ng panibago.

Facebook Comments