Ika-12 kaso ng COVID-19 sa Kamara, kinumpirma

21

Kinumpirma sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ika-labing dalawang (12) kaso ng COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang ika-12 kaso na nagpositibo sa Coronavirus Disease ay mula sa Internal Audit Department.


Huling pumasok sa trabaho ang empleyadong nagpositibo noong Hulyo 1, 2020.

Na-expose at nahawa naman sa nasabing empleyado ang isang kasamahan nito sa Internal Audit Department na contractual employee na asymptomatic.

Agad ding ipinag-utos ang pagpapasara sa tanggapan sa Mababang Kapulungan nitong Hulyo 2, 2020 para sa disinfection.

Facebook Comments