Ancestral domain ng tribong Subanen sa Zamboanga del Norte ,idineklarang zone of peace

Idineklara bilang isang zoneof peace ang ancestral domain ng tribong Subanen sa Zamboanga del Norte sa ZamboangaPeninsula region.

Ito’y matapos ang ginawang konsultasyonsa mga indigenous peoples  na kinabibilangan ng tribong Subanen sa isangpagpupulong na ginanap sa Barangay Titik, Leon Postigo, probinsya ng Zamboangadel Norte.
May lawak na 48,000 hectares,saklaw ng ancestral domain ang iilang mga barangay sa bayan ng Leon Postigo,Sindangan, Siayan at Godod ng nasabing probinsiya. Samantala sakop din dito angiilang barangay ng Bayog sa Zamboanga del Sur.

Ang inisyatibo ay alinsunod narin sa Executive Order No. 70 ng Pangulong Rodrigo Duterte, na layuningipatupad ang whole of nation approach upang maresolba ang local communist armedconflict sa bansa.
Matatandaang, isa ang BarangayTitik sa mga lugar sa Rehiyon 9 na napili bilang pilot area para saimplementasyon ng E.O. 70.   -30-  (Mardy D. Libres) with reports from PIA


Facebook Comments