Andi Eigenmann, ibinahagi ang surfing session ng fiancé at kanilang anak

Ipinasilip ng aktres na si Andi Eigenmann ang surfing session ng kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo at anak nilang si Lilo.

Sa kanilang bagong Vlog, ibinahagi ni Eigenmann ang mga aktibidad na karaniwang ginagawa nila kasama ang mga anak sa Siargao kabilang ang pagbabasa at pagkukulay ng mga libro.

Gayundin ang surfing kung saan makikita ang matapang na si Lion na dumapa at tumayo sa surf board kasabay ng mga alon.


Ayon kay Andi, bagama’t magulang na silang ni Philmar ay hinahayaan pa rin nila ang kanilang mga sarili na gawin ang mga nagpapasaya sa kanila.

Nabatid na 10 buwang pa lang noon si lilo ng unang beses itong mag-surfing kasama ang ama.

Facebook Comments