Try outs para sa national volleyball team, tuloy sa Zambales ngayong araw

24

Tiniyak ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na tuloy pa rin ang try outs para sa national volleyball team na gagawin sa Subic, Zambales ngayong araw.

Ito ay sa kabila ng pag-atras ng ilang manlalaro gaya nila Alyssa Valdez, Jia Morado, Kalei Mau, Myla Pablo at Jovelyn Gonzaga.

Ayon kay PNVF National Team Commission Head Tony Boy Liao, ilan sa mga naging dahilan sa hindi pagsali ng ilang manlalaro ay ang kanilang kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sa 40 na manlalaro, 17 lang aniya ang siguradong makakasali sa tryouts na sumailalim muna sa RT-PCR tests bago ang tryout ngayong araw.

Kabilang naman sa mga dadalo sina National Team Captain Aby Marano, Majoy Baron, Jaja Santiago, at Veteran setter Iris Tolenada.

Facebook Comments