Isa, nasawi at mahigit P1-M napinsala dahil sa sunog sa Mandaluyong City kahapon

Umakyat na sa P1,125,000 ang kabuuang pinsala ng sunog sa ikalawang palapag ng Residential area sa 141 Pitong Gatang Rev. Aglipay St., Brgy. Old Zaniga, Mandaluyong City.

Ayon kay Fire Arson Investigator SFO1 Jan Philippe Trinidad, nagsimula ang sunog alas-4:55 ng hapon.

Makalipas ang apat na oras ay naapula ang sunog alas-8:41 ng gabi na umabot sa ikalawang alarma.


Apketado nito ang 225 pamilya o katumbas ng indibidwal.

Isa naman ang nasawi na hindi pa pinapangalanan ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagsimula umano ang sunog sa inuukupanhan ni Anthony Laygo, Vener Laygo at Catherine Bolivar na pagmamay-ari ni Vener Laygo.

Facebook Comments