Andi Eigenmann, inaming mas masaya ang simpleng buhay sa Siargao

Inamin ng aktres na si Andi Eigenmann na mas masaya siya sa simpleng buhay sa Siargao kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak.

Ayon kay Andi, hindi man naging madali ang pinili niyang pamumuhay ay tinutulungan siya ng kaniyang asawa na si Philmar kung paano enjoyin ang simpleng buhay.

Aniya, bukod sa malayo siya sa kaniyang ina, mga kapatid at mga kaibigan ay malaki pa rin ang kaniyang pasasalamat dahil mas marami siyang natututunan at mas ini-enjoy niya ito.


Nagpapasalamat naman si Andi sa lahat ng sumusuporta at patuloy na sumusubaybay sa kanilang buhay sa isla.

Facebook Comments