Facebook post ng Lucban PNP na nagbibigay babala sa mga kababaihan sa pagsusuot ng maiikling damit, iniimbestigahan na ng PNP

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng Lucban Municipal Police Station.

Ito ay kasunod ng pagpo-post nila ng isang anti-sexual harassment advisory sa Facebook na umani ng batikos at kritisismo mula sa mga netizen dahil sa tila ‘victim-blaming.’

Nakasaad sa FB post na hinihiling ng Lucban police ang mga kababaihan na huwag magsuot ng maiikling damit upang hindi sila mabastos.


Ayon sa PNP Public Information Office (PNP-PIO), inatasan na ang Lucban Chief of Police na si Police Major Rizaldi Merene at lahat ng officer na sangkot sa pagpo-post ng abiso na magpaliwanag.

Mahalaga makapagbigay ng paliwanag ang Lucban PNP at lahat ng tauhan nito at kung bakit hindi sila dapat patawan ng administrative sanctions.

Sa ngayon, burado na ang nasabing Facebook post.

Facebook Comments