Andi Eigenmann, ipinakilala na sa publiko ang second baby girl na si Lilo

802
Instagram/ Andi Eigenmann

Ibinahagi na ni Andi Eigenmann ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na babae sa publiko na si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o Lilo.


Sa kaniyang Instagram, ipinakita sa publiko ang larawan ni Lilo ilang araw matapos manganak ni Andi.

Ayon kay Andi, sumailalim muli siya sa Caesarean section katulad ng ginawa noon sa kaniyang panganay na si Adriana Gabrielli o Ellie.

Hindi naging madali at natakot pa rin siya sa proseso ngunit sinuportahan naman siya ng mga kaanak at kaibigan.

“True enough, birth is beautiful no matter how it happens. I couldn’t be any more grateful that our baby girl came out healthy and safe. I realise now that it’s what matters most,” pahayag ni Andi.

“We are super excited and happy to take on this new chapter of our lives with our newborn baby girl,” dagdag niya.




Binati siya ng mga kapwa artista tulad nina Dimples Romana, Angel Locsin, Meg Imperial, Karla Estrada, Beauty Gonzales at iba pa.

Si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o Lilo ay anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, isang propesyonal na surfer. Ipinanganak si Lilo nitong Hulyo 23, 2019.

Facebook Comments