Andi Eigenmann, pumalag matapos kwestyunin ang kanyang pagbubuntis

Bumuwelta ang aktres na si Andi Eigenman sa ilang netizens na bumatikos sa kanyang pagbubuntis.

Kasunod ito ng post ni Andi kung saan ibinida niya ang kanyang baby bump.

May nag-comment kasi na isang netizen na sayang daw si Andi dahil nabuntis bago ikasal sa kasalukuyang nobyo na si Philmar Alipayo.


Sabi pa isang netizen – sana hindi na sila maghiwalay tulad ng ama ng kanyang first baby na si Jake Ejercito.

Sagot ng aktres – huwag siyang diktahan at mag-unfollow na lang kung magpapatuloy sila sa pagiging nega.

Nanindigan din si Andi na wala siyang dapat ipaliwanag sa mga taong hindi naman niya kilala.

Facebook Comments