Isang gusali sa France kung saan maraming naninirahang Pinoy, nasunog!

France – Patuloy na inaalam ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may nadamay bang Pilipino sa nangyaring sunog sa France kahapon.

Sa report, matatandaang tinupok ng apoy ang isang 8 story apartment building sa isang distrito sa Paris kung saan maraming Pinoy ang naninirahan.

Base sa Philippine Embassy sa Paris, 10 ang nasawi sa sunog habang 37 katao naman ang sugatan.


Kasunod nito nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya si Ambassador to France Ma. Theresa Lazaro sa mga biktima ng malagim na insidente.

Nanawagan din ito sa mga myembro ng Filipino community na naapektuhan ng sunog na huwag mag atubiling tumawag sa emergency hotline sa mga numerong 0620592515 para sa karagdagang ayuda.

Facebook Comments