Andray Blatche, balik Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers

Sports – Balik- Gilas Pilipinas ang naturalized player na si Andray Blatche para sa pagsabak ng team sa 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Kahapon nang umaga, agad na sumabak sa training si Blatche.

Kumpiyansa ang basketbolista na magiging mahusay pa rin ang performance niya matapos maka-recover mula sa calf injury.


Tiwala rin siyang makukuha pa rin niya ang bagong ipinatutupad na sistema ni Coach Chot Reyes kahit ilang beses na hindi nakasali sa training ng Gilas.

Matatandaang naantala ang pagdating ni Blatche sa bansa dahil sa paglalaro niya sa Xingjian flying tigers para sa regular season ng Chinese Basketball Association.

Facebook Comments