Magiging pangalan ng first baby nina Pokwang at Lee ‘O Brian – alamin

Showbiz – Ready nang magpuyat ang live-in parter ni Pokwang na si Lee O’ Brian para sa nalalapit na panganganak ng comedian/ actress.

Say ni Lee, excited na siya para sa magiging first baby nila ni Pokwang na ngayon ay nasa ika-anim at kalahating buwan na ng pagbubuntis.

“Malia Francine” naman ang napili nilang pangalan para sa kanilang baby girl na hango raw sa pinagsamang pangalan ng ina ni Pokwang na si Gloria at ina ni Lee na si Marilyn.


Biro pa ni Lee, mukang magiging mahusay na soccer player si Malia Francine dahil sa madalas nitong pagsipa habang nasa sinapupunan ni Pokwang.

Nang tanungin naman tungkol sa pagpapakasal sinabi ni Lee na sa ngayon, focus muna nila ang kanilang baby.

Facebook Comments