Andray Blatche, ipangtatapat kontra sa Kazakhstan

Tiniyak ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na isa si Andray Blatche sa mga ipantatapat ng koponan sa Kazakhstan sa kanilang paghaharap bukas.

Ayon kay Guiao, si Blatche ang ipantatapat niya sa naturalized player ng Kazakhs na si Anthony Clemmons.

Una nang tinalo ng Kazakhstan ang Pilipinas sa score na 92-88 noong Nobyembre 30, 2018


Mababatid na kailangang talunin ng Team Pilipinas ang Kazakhstan para mapalakas ang tsansang makapasok sa 2019 FIBA World Cup.

Facebook Comments