Catriona Gray, inamin ang break up nila ng modelong boyfriend

Inamin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na hiwalay na sila ng kanyang modelong boyfriend na si Clint Bondad.

Ayon kay Cat, single siya ngayon at nakatuon muna ang kanyang atensyon sa kanyang tungkulin bilang Miss Universe.

Bago pa man raw siyang manalo bilang Miss U ay nagkakaproblema na sila ng kanyang nobyo.


Hanggang sa ngayon aniya ay hindi pa sila nakakapag-usap ng kanyang ex-boyfriend.

Nabatid na umabot rin ng anim na taon ang relasyon ni Cat at ni Bondad.

Facebook Comments