Andray Blatche – magbabalik Pinas sa Abril para makasama sa training ng Gilas

42

Manila, Philippines – Inaasahang magbabalik-Pilipinas ngayong Abril ang naturalized Filipino player na si Andray Blatche para makasama sa training ng Gilas.

Ayon kay Gilas team manager Butch Antonio — sa katapusan ng Abril darating ng bansa si Blatche na kasalukuyang nasa China.

Nagpapahinga pa kasi aniya si Blatche matapos magkampeon ang kanilang team sa Xinjiang Flying Tigers sa Chinese Basketball Association.

Puspusan naman ang training ngayon ng Gilas Pilipinas para sa 2017 SEABA championship na gaganapin sa Araneta Coliseum sa May 12 hanggang May 18.

Ang SEABA ang magsisilbing ticket ng gilas para makausad sa FIBA Asia Cup sa Agosto.
Nation”

Facebook Comments