Bakasyon ni Eugene Domingo sa Japan – naging extra special

72

Manila, Philippines – Tila naging extra-special sa actress-host na si Eugene Domingo ang naging bakasyon nito sa Japan.

Usap-usapan kasi na kasama ni Uge sa kanyang pamamasyal sa Shijuku Gyoen National Garden sa Tokyo ang kanyang boyfriend.

Sa instagram post kasi ng aktres kahapon, ibinahagi nito ang larawan niya malapit sa cherry blossoms kung saan kinukuhanan siya ng isang lalaking foreigner.

Lalo pang naka-intriga rito ang mga pusong comment ng mga kapwa aktres na sina Lotlot at Ai-Ai Delas Alas.

Matatandaang una nang inamin ni Uge ang kanyang romantic relationship sa isang Italian film critic na nagngangalang Danilo.

Say ng aktres, “best gift ever” ang pagdating ni Danilo sa kanyang buhay.
Nation”

Facebook Comments