Andray Blatche, posbileng makaharap ng national basketball team sa FIBA Asia Champions Cup

Sports – Posibleng makaharap ng Philippine National Men’s Basketball Team ang naturalized player ng bansa na si Andray Blatche sa nalalapit na FIBA Asia Champions Cup.

Nabatid kasi na si Blatche ay maglalaro sa China Kashgar na nasa group-B habang nasa group-A naman ang Chooks to Go Pilipinas kasama ang BC Astana, Mono Vampire, Petrochimi, Sarreyet Ramallah.

Magaganap ang nasabing tournament sa September 22-30 sa Chenzhou, China kung saan pangungunahan nina Christian Standhardinger, Kiefer Ravena, Ray Parks Jr., Raymar Jose, Jeron Teng at iba pang Gilas Cadets ang koponan.


Ang FIBA ASIA Champions Cup na dating ASIAN Basketball Confederation (ABC) Champions Cup ay ilan beses na din napanalunan ng iba’t-ibang ballclubs sa Pilipinas; APCOR noong 1981, Northern Cement (1984), Swift-PABL (1988), Andok’s (1995), at Hapee Toothpaste (1996).

Facebook Comments