Andrew E, hindi mapigilang mag-emo sa kanilang 19th wedding anniversary ng asawang si Mylene Espitiru

Hindi napigilan ng rapper na si Andrew E. Na maging ‘emo’ kasabay ng kanilang 19th wedding anniversary ng misis na si Mylene Espiritu.

 

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Andrew E. Ang sweet photos nila ni Mylene. Kabilang na ang litrato ng mismong kasal nila sa Santuario De San Antonio Parish sa Makati City.

 

Bukod sa sweet photos ay may sweet message din si Andrew para kay Mylene. kung saan nagpasalamat ito sa lahat ng sakripisyo ng kanyang misis kabilang na ang pag-aalaga sa tatlo nilang anak.


 

Wish naman ni Andrew E. Na lalo pang tumibay at tumagal ang pagsasama nilang mag-asawa.

Facebook Comments