Helper na Binaril sa Cauayan City, Isa Umanong Magnanakaw; Mga Suspek Tukoy na!

*Cauayan City, Isabela- *Nakilala na ng PNP Cauayan City ang dalawang suspek sa pamamaril sa isang manggagawa na si Charlie Canos, 25 anyos at residente ng Brgy San Antonio, Ilagan City, Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Police Senior Inspector Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan City subalit hindi pa nila ito maaaring isapubliko dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naturang kaso.

Isa anya sa tinitignang motibo ng PNP Cauayan sa pamamaril ay ang hinihinalang isa umanong magnanakaw ang biktima subalit kanila pa rin itong iimbestigahan.


Nakatakdang sampahan ng kasong Frustrated murder ang mga suspek ngayong araw.

Magugunita na noong Marso 11, 2019 ng hapon sa bukirin ng Brgy Casalatan, Cauayan City, Isabela ay binaril ng suspek sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima na nagawang tumakas sa maisan matapos magkaaberya ang baril ng mga suspek.

Samantala, kasalukuyan pa rin na nagpapapagaling sa isang pribadong ospital ang biktima.

Facebook Comments