NDRRMC, naka-red alert na sa posibleng pagtama ng Bagyong Bising

Naka-red alert na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Typhoon Bising.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, naabisuhan na rin nila ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maghanda para sa preventive evacuation oras na lumala ang sitwasyon.

Naka-alerto na rin ang kanilang mga tauhan at iba pang member-agencies ng ahensya kabilang ang Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development, Department of Health at ang Department of Public Works and Highways.


Tiniyak din ni Jalad na pinaghahandaan nila ang “worst case scenario” sa posibleng pagtama ng bagyo.

Samantala, gagamit ng mga karagdagang evacuation facilities ang NDRRMC para masigurong masusunod ng mga evacuees ang social distancing at iba pang minimum health protocols.

Facebook Comments