"Ang Anak ay dapat nasa Tabi ng mga Magulang"- NCIP Director Atty. Bosantog

Cauayan City, Isabela- Inihalimbawa ni NCIP-CAR Regional Director Atty. Marlon Bosantog ang kahalagahan ng isang pamilya lalo na kung sama-sama ang mga ito.

Ito ang binigyang-diin ng opisyal matapos ang napabalitang maraming kabataan sa bansa ang wala sa tabi ng kanilang mga mahal sa buhay dahil umano sa ilang ginawang panloloko ng mga kasapi ng rebeldeng grupo paraan para umanib sa kanila.

Ilan kasi sa mga menor de edad ang kalimitan umanong nalilinlang ng mga kasapi ng rebelde dahilan na rin para ang ilang mga magulang ay labis na mag-alala sa kanilang mga anak.


Samantala, kinumpirma rin ni Bosantog na ilan sa mga ‘contraceptive’ ang natagpuan sa isang kwarto kung saan nananatili ang ilan sa mga kabataan na posibleng ginamit sa sexual na paraan.

Ayon pa sa opisyal isa lamang kaso ng human trafficking ang nangyayari sa mga menor de edad.

Aniya, halos magkakasama sa iisang kwarto ang mga babaeng menor de edad at mga lalaki gayundin ang ilang edad 27 na kalalakihan.

Umaasa naman ito na matutuldukan na ang maling karanasan ng mga kabataan at tuluyan ng mawala ang panghihikayat sa mga ito.

Facebook Comments