Walang Bagyo.
Pero ayon sa Typhoon 2000, “Heavy rain in Camarines Sur due to Northeast Monsoon(Amihan) and Tail-end of a Cold Front. Affected areas: extreme Northern and Eastern Luzon, Quezon & Bicol Provinces.”
Ito ang malinaw na pahayag ng Typhoon 2000 kaugnay ng nararanasang panahon ngayon sa Kabikolan. Subalit maraming lugar ang binaha dulot ng medyo mahina pero mataaaaggaaaaaaaal na pag-ulan na may halong pabugsu-bugsong hangin. Nagsimula ang ulan magtatakipsilim kahapon at hanggang sa isinusulat ang impormasyong ito ay may manaka-nakang pag-ulan at pabugsu-bugsong hangin pa rin ang nararansan sa paligid ng RMN Broadcast Center sa Maharlika High-Way, Barangay Del Rosario, Milaor, Camarines Sur.
Partikular sa Camarines Sur, magdamag na pag-ulan na may halong pabugsu-bugsong hangin ang naranasan sa maraming bayan ng probinsiya kabilang na sa Naga City.
Suspendido ang klase at mga tanggapan ng pamahalaan sa Camarines Sur at Naga City ngayong araw (tanghali ipinahayag ang suspension) dahil sa malawakang pagbaha sa mga low-lying municipalities at mga barangay sa lunsod.
Tunghayan sa mga larawang ibinahagi ng mga radio listeners and fb friends ng RMN DWNX ang baha na naranasan sa ibat-ibang bahagi ng probinsiya ng Camarines pati na rin sa Naga City.
Inaasahang magkakaroon pa rin ng kahalintulad na panahon hanggang bukas, ayon kay Weather Man Mike Padua ng Typhoon 2000.
Kasama mo sa pagbabahagi ng impormasyon at serbisyo publiko, RadyoMaN Paul Santos, RadyoMaN Manny Basa, RadyoMaN Grace Inocentes, RadyoMaN Jun Orillosa, RadyoMaN Ed Ventura, RadyoMaN Elmer Abad, RadyoMaN Al Ubaña, RadyoMaN Mike marfega, RadyoMaN Rolly Pecana, Tatak RMN!
Ang Panahon Ngayon…PARANG IKAW…Minsan…Hindi Ko Maintindihan…
Facebook Comments