Ang Probinsyano Congressman iginiit na ‘hindi siya siga, astig, o sanggano’

Nilinaw ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos nitong Huwebes na hindi siya “bully” o mahilig manggulo matapos suntukin ang isang waiter sa Legazpi City, Albay.

Nakuhanan ng CCTV ang insidente at kasalukuyang viral ngayon sa internet.

“I am not a bully or a troublemaker. Hindi po ako siga, astig or sanggano. The people who know me well can attest to that,” pahayag ng mambabatas.


Ayon pa kay Delos Santos, patutunayan niyang mali ang ipinaparatang sa kanya ng publiko at tutuparin ang mga pangakong binitiwan sa kapwa-probinsyano noong eleksyon.

Nadala rin umano ng emosyon ang kongresista at pinagsisihan niya ang inasal nitong Linggo ng umaga sa Biggs Dinner.

Naglabas ng pahayag si Delos Santos bunsod ng kumakalat na balita maari siyang sibakin sa puwesto bago magbukas ang 18th Congress sa Hulyo 22.

“I have no excuse, only regret and the promise that it will not happen again,” ani representate mula sa Ang Probinsyano party-list.

“I know you are all disappointed and I humbly accept whatever decision that you make in relation to my nomination in the party-list,” dagdag pa niya.

Kung sakaling bibigyan ulit ng pagkakataon, tinitiyak niyang magtratrabaho siya maigi para matulungan ang mga kababayang nasasadlak sa kahirapan.

Dagdag pa ng mambabatas, napatawad na siya ng biktimang si Christian Kent Alejo.

“Out of this humbling experience, I have not just learned a lesson but I also gained a new friend who made me understand the meaning of humility and self-restraint,” the lawmaker said.

Samantala, pinabulaanan ni Alejo ang naunang sinabi ni Delos Santos sa naging panayam ng isang local radio station.

Aniya, “Pumunta siya dito, sir. Humihingi siya ng dispensa. Ang sabi ko, ‘Kung hihingi ka ng dispensa, mag-sorry ka sa taumbayan na may media. Sabihin mo kung ano ang totoo.”

Itinanggi din ng service crew ang ibinibintang sa kanyang pagsagot ng pabalang habang pinagsisilbihan ang grupo ni Delos Santos.

 

Facebook Comments