Ang Probinsyano congressman nanuntok ng waiter sa isang resto sa Albay

File photo via FB/Coco Martin PH

Nasa hot seat ngayon si ‘Ang Probinsyano’ Partylist Congressman Alfred delos Santos matapos umanong suntukin nang walang dahilan ang service crew ng isang restaurant sa Legazpi City, Albay nitong Lunes ng madaling araw.

Sa nakalap na CCTV footage ng Philippines CCTV & DASH CAM Spotted Facebook group, makikitang masinsinsang kinakausap ng waiter ang grupo ng kongresista nang biglang tumayo ang lalaking nakabihis ng itim na t-shirt at sinapak ang service crew.

Batay sa police blotter report, si Delos Santos ang nanuntok sa biktimang si Christian Kent Alejo, 20 taong gulang, empleyado ng Biggs Dinner sa nasabing siyudad. Sa nakalagay na timestamp sa CCTV, nangyari ang insidente pasado alas-otso ng umaga nitong Linggo, Hulyo 7.


Nakasaad din sa ulat na naiwasan ni Alejo ang kamao ni Delos Santos at walang reklamong isinampa laban sa kongresista.

Samantala, nagsasagawa na din ng sariling imbestigasyon ang nasabing partylist tungkol sa kumakalat na viral video.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng reaksyon ang mambabatas kaugnay ng isyung binabato sa kanya.

Facebook Comments