Mga opisyal ng BOC na sangkot sa 1 billion pesos na tapioca-shabi cover up tutuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte

286

Hindi palalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Bureau of Customs o BOC na sangkot sa katiwalian lalo na sa operasyon ng iligal na droga at rice smuggling.

 

Matatandaan na ipinagutos ni Pangulong Duterte ang pag Freeze at pagsibak sa ilang matataas na opisyal ng customs na sangkot sa katiwalian na nakatakda namang pangalanan at sasampahan ng kasong kriminal at administratibo.


 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, walang sisinuhin at sasantuhin si Pangulong Duterte sa BOC.

 

Ginawa ng Pangulonang pahayag kasunod ng umano’y  P1 billion Tapioca-Shabu cover-up sa BOC.

 

Matatandaan na ibinulgar ni dating Customs Spokesperson Atty. Erastus Sandino Austria na ang anggulong entrapment operation na iginigiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa P1 billion halaga ng shabu na nakumpiska sa isang warehouse ay Malabon City ay “fabricated” o gawa-gawa lamang.

 

Binigyang diin din ni Austria na walang katotohanan ang sinabi ng PDEA na Controlled delivery ang ginawa ng ahensiya upang lumutang ang mga sindikato ng droga kapag sumali ang mga ito sa public bidding.

 

Matatandaan na lumabas sa report na aabot sa 146 kilos ng shabu ang narekober sa Goldwin Commercial Warehouse sa Malabon nitong buwan ng Mayi na ayon kay PDEA director General Aaron Aquino ay galing sa golden triangle Syndicate.

Facebook Comments