Angadanan, Isabela, Idineklarang Holiday ngayong araw!

Cauayan City, Isabela- Idineklara ngayong araw na walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas mula sa pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Base sa pinirmahan ni Mayor Joelle Mathea Panganiban na memorandum circular #35 series of 2019 na bilang pagtalima at pagtupad sa proclamation # 486 sa tuwing sumasapit ang araw ng Oct. 29 ay idineklara ito upang bigyang galang ang mga katutubo para gunitain ang kanilang Indigenous People’s Thanksgiving day.

Magugunita na ang kanyang ama na si Cong.Jose Panganiban Jr. ng ANAC-IP Partylist ay nagsilbi ng dalawang termino sa house of representative o kongreso bilang representante ng mga katutubo.


Facebook Comments