Angel Locsin at Neil Arce, engaged na!

Kinumpirma ni Angel Locsin na engaged na siya sa kaniyang nobyo at soon-to-be-husband na si Neil Arce ngayong Sabado.

Sa Instagram post ni Angel, pinakita niya ang mga larawan ng kaniyang singsing kasama ng fiancé na si Neil na may caption na “I said YES.”

Tinawag din ni Angel na “surprise of my life” si Neil.


Sa isa namang post ni Neil may caption itong, “Excuse me miss… I have a question…” na may hawak na singsing.

“Thank you for allowing me to be with you, take care of you, and most of all love you for the rest of my life,” pahayag ni Neil sa isang post.

Kinumpirma ni Angel ang kanilang relasyon noong Oktubre 2017 at sinabing “He’s very special to me at wala naman akong ibang gustong makasama kundi siya.”

Binati naman si Angel ng mga kasamahan sa industriya sa kaniyang engagement.

Facebook Comments