RMN Balik Eskwela 2019 Activity matagumpay na naisagawa sa Dagupan City ngayong araw

Dagupan City – Bakas sa mukha ng mga estudyante, teaching staff, at mga magulang mula Juan P. Guadiz Elementary School sa Dagupan City ang tuwa ng matanggap nila ang munting handog na mga school supplies na mula sa Yinglin Youth Association at RMN Foundation.

Katuwang din ang Yuppie Women’s Club at 104.7 iFM Dagupan nagkaroon ng simpleng programa sa nasabing eskwelahan bago ipamahagi ang mga school supplies. Malaki ang pasasalamat ng pamunuan ng Juan P. Guadiz Elementary School sa nasabing tulong na ayon kay Principal Jose Taparo ang mga benepisyaryo ay ang pinakamahihirap na estudyante nila.

Ang nasabing mga school supplies ay mula sa Yinglin Youth Association na isang pribadong asusasyon ng mga Filipino – Chinese community sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mr. Daniel Hung na matagal naring tumutulong sa mga nangangailangan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.Ayon kay Ms. Carmela Cabatcan ng RMN Foundation ang ganitong klase ng tulong ay parte ng Corporate Social Responsibility ng RMN na nagbibigay importansya sa kalusugan, edukasyon at social welfare ng Masang Pilipino.


Facebook Comments