Angel Locsin, inulan ng papuri sa naging comment nito sa post ng kaibigang si Marian Rivera-Dantes

Showbiz – Inulan ng papuri ang aktres na si Angel Locsin matapos itong mag-comment sa instagram post ni Marian Rivera-Dantes.

Sa post ni Marian sa kanyang IG na kung saan ay pinromote niya ang kanyang bagong palabas ay makikita doon na nag-comment si Angel ng “Good Luck, Yan!”
Magkaribal man ay nagpaabot pa rin ng pagsuporta si Angel sa kaibigan na si Marian sa telerserye nito na ipapalabas mamayang gabi.

Una nang iginiit ni Angel na wala silang pakialam ni Marian sa kumpetisyon at ang importante para sa kanila ay ang magpasaya ng tao.


Umaasa ang mga netizens na balang araw ay magkakasama ang dalawang aktress sa isang project.

Facebook Comments