Coach Chot Reyes, pinalitan si Bright Ahkuetie sa line-up ng Chooks To Go Pilipinas para sa nalalapit na FIBA Asia Champions Cup 2017

FIBA Asia- Plano ngayon ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na palitan ang Nigerian player na si Bright Akhuetie sa pagsabak nila sa FIBA Asia Champions Cup sa China.

Ayon kay Coach Chot, posibleng magkaroon ng technicality si Akhuetie sa UAAP eligibility dahil bago pa lamang itong naglalaro sa University of the Philippines Fighting Maroons.

Dahil dito, kinuha ni Reyes ang 6-foot-6 na si Rod Ebondo ng Centro Escolar University na nakasama na nila sa isang tune-up game na ginanap sa MERALCO gym.


Umaasa ngayon si Reyes na mas lalakas pa ang kanilang line-up sa nalalapit na tournament kung saan una nilang makakaharap ang BC Astana ng Kazakhstan.

Facebook Comments