Angel Locsin, nagbigay ng mamahaling birthday gift sa boyfriend!

Nagbigay nang mamahaling birthday gift ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang boyfriend na isang businessman at film producer na si Neil Arce.

Sa Instagram picture ni Neil – makikita ang isang brand new white golf cart na nagkakahala ng $6,729 o tumataginting na P354,450.

Habang sa Instagram post ni Angel – makikita ang isang outdoor birthday celebration para kay Neil at nagtatanghal ang bandang Rivermaya.


Super thankful naman si Neil sa pag-organize ni Angel sa kanyang birthday party.

Imbitado rin sa okasyon sila Boy 2 Quizon, Cholo Barretto, Joross Gambao at si direk Joyce Bernal.

Pebrero 2018 ay naging official couple sila.

Facebook Comments