Angel Locsin, nagkaloob ng scholarship matapos maka-5M followers

220
IG photo / therealangellocsin

Tinupad ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang pangako nitong mag-aabot ng tulong sa ilang nangangailangan sa oras na maabot ang limang milyong followers.

Sa ngayon ay nasa 5.5 million na ang followers ni Locsin sa Instagram at 11 million sa Twitter, kaya’t bilang simpleng selebrasyon aniya, namigay ng scholarship ang aktres sa 31 kabataan.


Sa kaniyang Instagram account, naglabas ng mensahe ng pasasalamat sa mga followers ang aktres, kasama ang larawan ng mga napili niyang mga iskolar.

 

Iginiit din ni Locsin sa caption ang kahalagahan ng edukasyon lalo na para sa kinabukasan ng isang tao.

“I believe that education is one of the best gifts we can share to others and that empowered individuals can help shape a bright future,” ani aktres.

Bukod sa pagiging magaling na aktres, hinahangaan rin ang bida ng ‘The General’s Daughter’ dahil sa kabutihang loob nito.

Facebook Comments

From Advertisers