Angel Locsin pinabulaanan ang komentong ‘slut-shaming’ sa isang PGT performance

Agad na sumagot si Angel Locsin matapos ang akusasyon ng isang netizen na ‘di umano ay ‘slut-shaming’ ang nangyari sa isang episode ng Pilipinas Got Talent 6.
Naganap ito nang mag-perform ang isang grupo ng mga kababihan na pinangalanang ‘Playgirls’ ng isang sexy dance habang naka-underwear lamang at nagka-carwash.
Simula pa lamang ng performance nang nag-stop si Angel sa pamamagitan ng pag-pindot ng red buzzer.
Ayon sa isang netizen, “lmfao. if @143redangel were really there to empower women such as playgirls, she could’ve refrained herself from slut shaming. it’s their body after all; and they loved and are proud of what they did #pgtsuperfiesta”
Agad naman na tumugon ang judge na aktres at sinabing, “there is no such thing as a ‘slut’ or a ‘non-slut.’ There are WOMEN.”
Hindi pinalad na maka-pasok ang nasabing grupo matapos mag-resulta sa dalawang ‘yes’ mula kina Robin at FMG, at dalawang ‘no’ mula kina Angel at Vice Ganda ang naging botohan.
Sa nasabing programa ay tila nagkaroon naman ng kaunting pagtatalo ang dalawang hurado na sina Angel at Robin matapos magkaroon ng magka-ibang pananaw.
Gayunpaman ay parehong namang humingi ng tawad ang dalawa sa isa’t-isa bago tumuloy sa bagong contestant.

Facebook Comments