Hinarap ni ka-Angel Manalo ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang mga umiiyak na kaanak at taga-suporta na nagtungo sa Kampo Karingal.
Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa kanila ng mga tauhan ng QCDP kanina.
Sa panayam kay ka-Angel, hindi niya alam kung bakit sila inaresto at giniba ang kanilang tahanan.
Sa ngayon nasa District Public Safety Battalion sa Kampo Karingal si Angel, at ito ay binabantayan ng mga taga-suporta.
Ayon kay P.Chief Supt. Guillermo Eleazar noong February 27 nagkaroon ng indiscriminate firing sa INC compound sa Tandang Sora.
Dahil dito nagpunta ang QCDP sa korte particular sa QC RTC branch 106 para humingi ng search warrant dahil sa posibilidad ng kasong illegal position of fire arms.
Kanina, nang isinilbi na ng QCDP ang search warrant nagkaroon pa ng barilan at ayon kay General Eleazar, 2 sa kanyang mga tauhan ang nasugatan.
Kanina, may nakuhang armas sa loob ng compound kabilang m16 at shot gun, ito ngayon ay nasa proseso ng kumpirmasyon kung may lisensya ba ito.
Samantala, nagpapatuloy na umiiyak ang kaanak at taga-suporta ni ka-Angel Manalo at anila hindi sila aalis hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan ni Angel.