Angelica Panganiban, dumalo sa premiere night ng pelikula ni Carlo Aquino!

Sinuportahan ni Angelica Panganiban ang dating kasintahan na si Carlo Aquino sa premiere ng pelikula nito na “Meet Me in St. Gallen” sa Trinoma, Quezon City kagabi. Sa larawang ipinost sa instagram account ng starmagicphils ay spotted na nakaupo ang aktres katabi ang kaibigang comedian-actor na si Ketchup Eusebio. Kinuha raw ang larawan habang nasa labas pa si Carlo at ang co-star na si Bela Padilla. Happy naman raw si Carlo sa pag-attend ni Angelica pero tikom pa rin ang kanyang bibig sa posibilidad ng kanilang pagbabalikan.

Facebook Comments