Bumuhos ng pagbati at heart emojis ang Instagram post ni Angelica Panganiban ngayong Bagong Taon matapos niyang isapubliko ang kaniyang bagong pag-ibig.
Sa post nito, makikita ang larawan ng aktres na may kahalikang lalaki sa beach at nilagyan pa niya ito ng caption na “Kung isa kang pelikuka, sana, wala kang ending…”
Matatandaang Nobyembre nang ibuking ng kanyang mga kaibigan ang aktres tungkol sa kanyang blooming love life.
Huling nakarelasyon ni Angelica ang aktor na si John Lloyd Cruz at nakahiwalay noong 2016.
Habang ilan pa sa mga naging kasintahan nito ay sina Carlo Aquino at Derek Ramsay.
Facebook Comments